Tuesday, November 13, 2012

Chapter 3 - The Three Guys



CHAPTER 3

“Don’t forget to submit your assignments next meeting, okay. Class dismissed,” sabi ni Sir Romano.

Tapos na rin ang first subject ko today. Mamaya pang one ulit ang klase ko. Inayos ko muna ang mga gamit ko. Palabas na sana ako nang may tumawag sa ‘kin. Iyon ‘yong katabi ko na tumawag sa akin ng Zemin. Hello! Sino si Zemin?

“Zemin, may kasabay ka bang kumain? Sama ka na lang sa ‘kin,” anyaya nito.

Hay, Zemin na naman.

“Pasensya na pero uuwi kasi ako, eh,” sagot ko sa kanya.

“Huh? Bakit? Tapos na ba lahat ng klase mo? Kain ka muna. Twelve na, o. Libre kita. Akong bahala,” dire-diretsong sabi nito.

“Anong problema mo?” hindi ko napigilang itanong sa kanya. “Ay, sorry! Pasensya na,” nawala na naman ako sa sarili ko. Shittables, teh!

“Ah. Kasi gusto kitang maging kaibigan. Kaya…”

“Kaya ano?”

“Kaya… ililibre kita,” ngumiti pa siya.

Gwapo sana itong Gian na ito, eh. Kaya lang obvious na obvious kung anong gustong gawin at mangyari.

“Pasensya na talaga, Gian. Uuwi kasi ako ngayon sa dorm namin, eh.”

“Tinawag mo ‘kong, Gian?” gulat na gulat na tanong nito.

“Oo. Hindi ba pwede?” naguguluhang tanong ko.

“Pwede naman. Friends na tayo, ah? Sige, uwi ka na lang. Next time na lang tayo kumain. Sige. Ingat ka, ah. Stay safe for me.”

Shittables! Hinalikan niya ‘ko sa pisngi!

Hindi ko inakalang hahalikan niya ko. Nagulat ako sa ginawa niya. Ang bilis ng kamanyakan niya. Bwiset!

Ano ba?! Kainis! Hindi tayo friends, Gian!

Pagkatapos nang kagulat gulat na pangyayari sa classroom, lumabas na ako. Nasa may lobby na ‘ko nang marinig kong tinatawag ako ng isang lalake.

Nilingon ko ang tumatawag sa akin. Nakita ko si John na papalapit. Isa rin siyang exchange student, ang kaibahan lang ay forever na siyang exchange student. Ako, hanggang two months lang.

Inaya niya ‘kong kumain sa canteen ng school. Hindi na ‘ko tumanggi. Konting oras na lang din naman ang natitira sa vacant ko at klase ko na ulit.


“Kumusta first class mo? Okay lang?” dinig kong tanong ng isang lalake na kasama ni Jamien.

Hindi ko kilala kung sino ang kasama ni Jamien. Ngayon ko lang ito nakita dito sa university.

“O, akala ko ba, uuwi si Zemin sa dorm nila? Eh, bakit nandito siya? At sino naman iyang lalakeng kasama niya?” bulong ni Gian sa akin. Mukhang galit ‘tong isang ito, ah. Magatungan nga.

“Baka boyfriend niya,” balewalang sabi ko kuno.

“Ano? ‘Di puwede?” marahas na sagot sa akin ni Gian.

“Ba’t hindi puwede?”

“Crush ko ‘yun, eh,” seryosong sabi niya sa akin.

Napatingin ako bigla sa kanya. Hindi puwede!


Pucha naman o! Hindi puwedeng may boyfriend na si Zemin. Liligawan ko pa siya.

Nilapitan ko na ang table kung nasaan sina Zemin at ang ugok na kasama niya.

“Hi, Zemin!” suwabe kong pagbati sa kanya.

Lumingon naman siya agad sa akin, pati ‘yong ugok.

“Hello,” seryosong sabi niya sa akin.

“Akala ko, uuwi ka sa dorm niyo?” tanong ko sa kanya. “Na-miss mo ‘ko, no?”



“Akala ko, uuwi ka sa dorm niyo? Na-miss mo ‘ko, no?” tanong ng ulol na lalakeng kakalapit lang sa table namin ni Jamien.

Napaubo si Jamien. Nabilaukan ng iniinom niyang tubig, halatang nagulat sa tanong ng ulol.

Dinaluhan ko siya agad. Pinunasan ko ng panyo ko ang bibig niyang nabasa ng tubig.

“Zemin, okay ka lang? Huwag mo ‘kong masyadong magustuhan.”

Yabang din ng isang ‘to, ah!

Tinignan ko ng nakakunot noo ang ulol na kaharap ko. Zemin? Saan naman niya napulot ang pangalang iyan?

“Bakit, pare? May problema?” baling ng ulol na ito sa akin. Maangas ang pagkakasabi niya doon.

“Wala, pare,” simpleng sagot ko sa kanya.

“Eh, ba’t parang natatawa ka?”

“Wala, pare,” tumikhim na ako. Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at tumawa na talaga ako ng tuluyan. Zemin?

“Ah, G-Gian. Si John. Kaibigan ko. Exchange student din siya,” pagpapakilala ni Jamien sa amin. Na-disorient yata ‘tong isang ‘to, ah. Dapat itong ulol na ‘to ang ipakilala niya sa akin kasi ako ang mas may halaga sa kanya. “John, si Gian. Classmate ko.”

Kinamayan ko ang ulol na ‘to.

“John Sabillon, pare. Ex-boyfriend din ni Jamien.”

“Ah, ex-boyfriend ka pala,” nakangiting saad ng ulol sa akin, pero alam kong may nakatagong sarkasmo doon sa sinabi niya. “Gian Arcena rin, pare. Future boyfriend ni Zemin.”

Ako naman ang nabilaukan ng laway ko.

No comments:

Post a Comment