Tuesday, November 13, 2012

Chapter 3 - The Three Guys



CHAPTER 3

“Don’t forget to submit your assignments next meeting, okay. Class dismissed,” sabi ni Sir Romano.

Tapos na rin ang first subject ko today. Mamaya pang one ulit ang klase ko. Inayos ko muna ang mga gamit ko. Palabas na sana ako nang may tumawag sa ‘kin. Iyon ‘yong katabi ko na tumawag sa akin ng Zemin. Hello! Sino si Zemin?

“Zemin, may kasabay ka bang kumain? Sama ka na lang sa ‘kin,” anyaya nito.

Hay, Zemin na naman.

“Pasensya na pero uuwi kasi ako, eh,” sagot ko sa kanya.

“Huh? Bakit? Tapos na ba lahat ng klase mo? Kain ka muna. Twelve na, o. Libre kita. Akong bahala,” dire-diretsong sabi nito.

“Anong problema mo?” hindi ko napigilang itanong sa kanya. “Ay, sorry! Pasensya na,” nawala na naman ako sa sarili ko. Shittables, teh!

“Ah. Kasi gusto kitang maging kaibigan. Kaya…”

“Kaya ano?”

“Kaya… ililibre kita,” ngumiti pa siya.

Gwapo sana itong Gian na ito, eh. Kaya lang obvious na obvious kung anong gustong gawin at mangyari.

“Pasensya na talaga, Gian. Uuwi kasi ako ngayon sa dorm namin, eh.”

“Tinawag mo ‘kong, Gian?” gulat na gulat na tanong nito.

“Oo. Hindi ba pwede?” naguguluhang tanong ko.

“Pwede naman. Friends na tayo, ah? Sige, uwi ka na lang. Next time na lang tayo kumain. Sige. Ingat ka, ah. Stay safe for me.”

Shittables! Hinalikan niya ‘ko sa pisngi!

Hindi ko inakalang hahalikan niya ko. Nagulat ako sa ginawa niya. Ang bilis ng kamanyakan niya. Bwiset!

Ano ba?! Kainis! Hindi tayo friends, Gian!

Pagkatapos nang kagulat gulat na pangyayari sa classroom, lumabas na ako. Nasa may lobby na ‘ko nang marinig kong tinatawag ako ng isang lalake.

Nilingon ko ang tumatawag sa akin. Nakita ko si John na papalapit. Isa rin siyang exchange student, ang kaibahan lang ay forever na siyang exchange student. Ako, hanggang two months lang.

Inaya niya ‘kong kumain sa canteen ng school. Hindi na ‘ko tumanggi. Konting oras na lang din naman ang natitira sa vacant ko at klase ko na ulit.


“Kumusta first class mo? Okay lang?” dinig kong tanong ng isang lalake na kasama ni Jamien.

Hindi ko kilala kung sino ang kasama ni Jamien. Ngayon ko lang ito nakita dito sa university.

“O, akala ko ba, uuwi si Zemin sa dorm nila? Eh, bakit nandito siya? At sino naman iyang lalakeng kasama niya?” bulong ni Gian sa akin. Mukhang galit ‘tong isang ito, ah. Magatungan nga.

“Baka boyfriend niya,” balewalang sabi ko kuno.

“Ano? ‘Di puwede?” marahas na sagot sa akin ni Gian.

“Ba’t hindi puwede?”

“Crush ko ‘yun, eh,” seryosong sabi niya sa akin.

Napatingin ako bigla sa kanya. Hindi puwede!


Pucha naman o! Hindi puwedeng may boyfriend na si Zemin. Liligawan ko pa siya.

Nilapitan ko na ang table kung nasaan sina Zemin at ang ugok na kasama niya.

“Hi, Zemin!” suwabe kong pagbati sa kanya.

Lumingon naman siya agad sa akin, pati ‘yong ugok.

“Hello,” seryosong sabi niya sa akin.

“Akala ko, uuwi ka sa dorm niyo?” tanong ko sa kanya. “Na-miss mo ‘ko, no?”



“Akala ko, uuwi ka sa dorm niyo? Na-miss mo ‘ko, no?” tanong ng ulol na lalakeng kakalapit lang sa table namin ni Jamien.

Napaubo si Jamien. Nabilaukan ng iniinom niyang tubig, halatang nagulat sa tanong ng ulol.

Dinaluhan ko siya agad. Pinunasan ko ng panyo ko ang bibig niyang nabasa ng tubig.

“Zemin, okay ka lang? Huwag mo ‘kong masyadong magustuhan.”

Yabang din ng isang ‘to, ah!

Tinignan ko ng nakakunot noo ang ulol na kaharap ko. Zemin? Saan naman niya napulot ang pangalang iyan?

“Bakit, pare? May problema?” baling ng ulol na ito sa akin. Maangas ang pagkakasabi niya doon.

“Wala, pare,” simpleng sagot ko sa kanya.

“Eh, ba’t parang natatawa ka?”

“Wala, pare,” tumikhim na ako. Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at tumawa na talaga ako ng tuluyan. Zemin?

“Ah, G-Gian. Si John. Kaibigan ko. Exchange student din siya,” pagpapakilala ni Jamien sa amin. Na-disorient yata ‘tong isang ‘to, ah. Dapat itong ulol na ‘to ang ipakilala niya sa akin kasi ako ang mas may halaga sa kanya. “John, si Gian. Classmate ko.”

Kinamayan ko ang ulol na ‘to.

“John Sabillon, pare. Ex-boyfriend din ni Jamien.”

“Ah, ex-boyfriend ka pala,” nakangiting saad ng ulol sa akin, pero alam kong may nakatagong sarkasmo doon sa sinabi niya. “Gian Arcena rin, pare. Future boyfriend ni Zemin.”

Ako naman ang nabilaukan ng laway ko.

Chapter 2 - Temporary Exchange Student



CHAPTER 2

Kagagaling ko lang sa food chain na pinagtatrabahuhan ko. Pumayag ang management na makapagtrabaho ako sa umaga, mula alas sais ng umaga hanggang alas dose ng tanghali. Malayo pa kasi ang ibi-biyahe ko patungong university.

“Jamien, nakita mo ba ‘yong naka-post sa bulletin board sa department office? Nando’n ‘yong pangalan mo. Tingnan mo do’n,” sabi sa akin ng blockmate ko.

Agad na pinuntahan ko ang tinutukoy nitong naka-post na pangalan ko sa bulletin board. Nakasulat sa board na gusto akong makausap ng chairperson ng department namin.

Pumasok ako sa department office. Tinanong ko sa working scholars kung nasa loob ba ang chairperson at ang sabi nila ay pumasok na lang ako sa opisina nito.

Kumatok ako sa pinto ng opisina at binuksan ko ito.

“Good afternoon, Miss,” bati ko sa chairperson namin.

“Good afternoon, Miss Aragon,” nakangiting sagot niya sa ‘kin. “I know that it’s too sudden a news for you, but we couldn’t do anything since ikaw lang kinakailangan namin. I hope that it would be good for you.”

“Tungkol saan po ba ang tinutukoy niyo, Miss?” tanong ko sa kanya.

“It will be about the exchange student program of the university. We chose you to be the department’s temporary exchange student, in lieu of the first student who is supposed to be the one to be exchanged.”

“Temporary po?”

“Yes, temporary. Ikaw muna ang ipapadala namin sa sister school natin sa Manila since si Mister Montez, ang original na exchange student natin, ay may kailangan pang ayusin with regard to his papers. Would that be okay with you, Miss Aragon?”

“It is okay with me, Miss, but I have to ask my mom with regard to it. I have to ask her permission if she would allow me to go there.”

“Oh. Don’t worry. We will be asking for your mom’s presence here in the university to further explain the status of your temporary swap to the exchange program. Is there anything else that you are concern about?”

“Kung sakali po na payagan ako ng mama ko, ano pong kailangan kong dalhin sa Manila?”

“Just your things, yourself, and your intelligence. You would be staying there for two months, kaya hindi ka masyadong mahihirapan do’n. We will provide for your needs there,” nakangiti niyang sabi sa ‘kin.

“Miss, would the exchange program affect my status in the university? I mean, would my grades be moved with regard to this program? Does the sister school have the same grading system with ours?”

“No, Miss Aragon, it won’t affect your grades. And our sister school has the same grading system with ours. In fact, all of our sister schools have the same grading system. Sixty percent pa rin ang kinakailangan para mapasa mo ang major subjects mo. May tanong ka pa ba?”

“Wala na po, Miss,” nakangiti kong sabi sa kanya.

“Okay. I hope payagan ka ng mama mo.”

“I hope so, too, Miss.” Tumayo na ‘ko. Kinamayan naman ako ng chairperson namin.

“Before I forget, Miss Aragon. Kung payagan ka ng mama mo, the Vice-President for Academics would have to talk with you and with the other two exchange students.”


“Buti at pinayagan ka ng  mom mo, Miss Aragon. I really prayed na masali ka sa exchange program this year,” sabi sa ‘kin ni Miss Gracia, ang chairperson namin.

Papunta kami ngayon sa office ng VP-Acad. Kakausapin daw kasi kami.

“Oo nga po, Miss. Buti na lang.”

“But I was sad nung sinabi ng mama mo na kinailangan mong mag-resign sa pinagtatrabahohan mong food chain dahil dito. I didn’t know na working student ka pala.”

“Oo nga po, Miss, pero okay lang ‘yon. Alam ko kasi na may maganda akong mae-experience sa pagpunta ko do’n sa Manila. Saka sabi naman po ng manager ng food chain, pwede pa naman daw po akong makabalik do’n kung gugustuhin ko.”

“Talaga? That’s good. At least, may babalikan ka pa kung gugustuhin mo talagang bumalik.”



“Dwight, kamusta na kayo ng girlfriend mo? Okay na ba?” tanong sa ‘kin ng kaibigan kong si Gian. Nanghihimasok na naman ito sa buhay may girlfriend ko.

“Yeah, okay na kami. Alam mo naman ‘yon, hindi ako matitiis,” balewalang sagot ko sa kanya.

Nasa classroom kami ngayon. Hinihintay namin ang professor naming sa minor subject. Mga five minutes pa bago magsimula ang klase namin kaya chill muna.

Nag-ring na rin ang bell at pumasok na rin ang iba pa naming mga kaklase, kasama na ang girlfriend ko. Pumasok na rin si Sir Romano, professor namin sa Effective Communication.

“Good morning, class!”

“Good morning, Sir!” bati namin sa kanya.

“Did you make your assignment?” tanong niya pagkalapag niya ng mga gamit sa table.

Daling nasipagkomento ang mga kaklase ko. Wala siyang binigay na assignment sa amin.

“Whoa! Chill, guys! I was just teasing you,” natatawang depensa ni Sir sa sarili. Si Sir talaga, o. Palibhasa matanda na.

May kumatok na babae sa pinto ng classroom. Glass ang bintana ng classroom naming kaya nalaman kong babae.

“Pre, ganda ng chicks,” bulong ni Gian sa ‘kin. Kahit kailan talaga, babae pa rin ang iniisip nito.

Binuksan ni Sir ang pinto at saglit na kinausap ang babae. Mukhang galit si Sir. Sigurado, ngayon lang pumasok ang babaeng ‘yan. Last week pa nagsimula ang klase. Tss tss.

Pumasok ulit si Sir.

“Okay, class. You have an additional classmate,” anunsyo niya sa klase. Binalingan niya ang babae sa labas at pinapasok. May inabot na half-crosswise bondpaper ang babae kay Sir. Napansin kong napakunot ang noo ni Sir. Uh oh.

“Introduce yourself, Miss,” walang kangiti-ngiting sabi ni Sir sa babae.

“Good morning everyone. I am Jamien Prudence Aragon, third year Mass Communication student, and I am a temporary exchange student from the Queen City of the South University.”

“You have the confidence, Miss, but why do you think ikaw ang ipinadala ng university niyo dito? As what I see in your grade, hindi papasa ito para maging exchange student. Uno?”

Nagtawanan ang mga kaklase ko. Bagsak ‘yan, ah!

“Pre, discouraging. Tsk,” bulong sa ‘kin ni Gian.

“I’m sorry, Sir, but I do not understand you. Please explain to me, Sir,” sagot ng babae. May pagkatanga pala ‘to, eh. Akala ko matalino. Itsura pa lang kasi, pang-beauty queen… na may eye glasses.

Nag-explain si Sir Romano. Patango-tango lang ang babae.

“Sinong may five point three to four dito? Sa kahit anong subject?” tanong ni Sir sa buong klase. Nagsitaasan kami ng kamay.
Napapakunot naman ang noo ng babae, tipong may na-realize.

“Oh, I’m sorry, Sir. I guess we are having a little predicament here. I was told that the university where I come from and your university have the same grading system. As what I can see, the difference is that we have different figures used. Your university uses flat five as the highest grade while our university uses flat one. Our university doesn’t send good-for-nothing students, Sir,” seryoso at confident na sabi ng babae, pero humble pa rin.

“Ganoon ba?” parang natahimik si Sir. “So, it means that you have a good grade. You have… one point one in… English seven subject. ,” amazed na sabi ni Sir Romano.

Shit. Laki niyan, ah.

“English? Sigurado ba ‘yan? Talino, ah,” gulat na gulat na saad ni Gian.

“Tapos one point eight din ang lowest grade mo… sa TV Direction and Production, eh ang isang pinakamababa mo dito ay one point five. Anong nangyari?” patuloy ni Sir.

“I’m not into filmmaking, Sir,” simple at mapagkumbabang sagot nito.

“Bakit? Ano ba’ng ginagawa niyo sa subject na ‘to?”

“We write screenplays, Sir, and we produce short films.”

“Oh. So you are trained to become actors?”

“No, Sir. We are mentored how to become film producers, directors, production designers, etc.”

“Okay. Maganda. Magaling. Take your seat, Miss.”

“Saan po, Sir?”

“Beside Mister Gian Ravena.”

Nasa gitna namin siya ni Gian. “Thank you, Sir,” huminga ng malalim ang babae nang makaupo. Agad itong tumayo. Napalakas kasi ang paghinga nito. “Oh my gosh, I’m sorry, Sir.”

“Nervous, Miss Aragon?”

“A little, Sir.”

“Well, good luck to your stay here. I hope ganitong grades pa rin ang makuha mo sa subject ko.”

“Yes, Sir. Thank you,” umupo na ulit ito.

“Hello, Zemin!” narinig kong bati ni Gian kay Jamien.

“Ako ba’ng kausap mo?” tanong ni Jamien kay Gian. Tumango naman ang kaibigan ko. “Hindi Zemin ang pangalan ko. Jamien,” pabulong nitong sabi.

Hindi ko napigilang matawa sa pagkapahiya ni Gian.

Chapter 1 - Binibining Undas 2012



CHAPTER 1

“Masisisi niyo ba ‘ko kung pinatay ko ang asawa ko?! Masisisi niyo ba ‘ko kung pinagtanggol ko lang ang anak ko na ginahasa ng walang kwenta at halimaw kong asawa?! Bago niyo po ako husgahan, alamin niyo po muna ang dahilan kung bakit ko kinitil ang buhay ng aking asawa!”

Buong puso at punumpuno ng emosyon ang pag-arte ni Jamien sa declamation piece niya para sa beauty contest sa kanilang barangay na sinalihan niya. Binigyan siya ng masigabong palakpakan ng mga taong nanonood sa contest.

Siya ang panghuling contestant na nag-deliver ng kanyang talent sa talent portion ng contest na iyon. Sa mga susunod na sandali ay ang question and answer portion naman. Kasalukuyang nagpe-present ang isang singer bilang intermission number para bigyan ang mga contestants ng pagkakataong makapagbihis ng kani-kanilang evening gowns.

Kung gaano kalinis ang mga pangyayaring makikita sa stage kapag may nagpe-perform ay siya namang kabaligtaran ng nangyayari sa backstage. Nagkakagulo ang mga tao sa backstage. Ang mga contestants at ang mga nag-aassist sa kanila ay kanina pa paikut-ikot upang ihanda ang lahat ng kinakailangan sa beauty contest.

“Okay, ladies. One minute na lang at magsisimula na ang Q and A. Bilisan niyo naman ang kilos! Babagal-bagal! Huwag nang um-ecklavoo!” sigaw ng baklang organizer ng beauty contest.

Lalong kinabahan ang mga contestants at hindi na napigilan ng ilan na sumigaw.

Naketch naman mga girlaloo! Shodi sigaw mga teh! Dinig na dinig sa labas! Haay! O ikaw! Wow! Ang joray-joray ng earrings mo, ‘day!” baling ng baklang organizer kay Jamien.

Napangiti na lang si Jamien. Handang-handa na siya para sa question and answer mamaya.

“Thank you,” sinserong sagot niya sa organizer.


“And now, may we call in Contestant number five, Miss Jamien Prudence Aragon,” anunsyo ng lalakeng emcee ng contest.

Lumakad agad palapit sa dalawang emcee si Jamien. Binigyan siya ng lalakeng emcee ng microphone.

“Magandang gabi, Miss Number Five,” bati sa kanya ng babaeng emcee.

“Magandang gabi din po sa inyong lahat.”

“Handa ka na ba? Hindi ka ba nape-pressure ngayon?”

“Handang-handa na po ako at hindi naman po ako nape-pressure ngayon.”

“Wow. Okay. Bunot ka na ng question mo,” sabi ng lalakeng emcee.

 Bumunot siya ng question sa fish bowl at ibinigay ito sa emcee. Nagsigawan ang mga supporters ni Jamien na nasa harap ng stage.

“Okay, ‘eto na ang tanong mo. This is a quotation that we got from an anonymous source. And here it goes. If you have a direction to choose, which direction will you go? The left where there is nothing right? Or the right where there is nothing left?”

“Hirap ng tanong mo, idol!” sigaw ng isang lalake na nasa audience.

“Thank you for that very wonderful question, Mister Emcee. If I were to choose to which direction I will go, I’d rather go to the left where there is nothing right. Why? Simply because I do not have anything do with the right direction where there is nothing left. That would be my answer. Thank you,” sagot ni Jamien pagkatapos ay ngumiti.

“Hmm. Makes sense. Tama ba, Partner?” sabi ng lalakeng emcee.

“Tama ka diyan, Partner. Thank you, Contestant Number Five,” sagot naman ng babaeng emcee.

“Whoa! Ang hihirap ng mga tanong para sa ating mga contestants. Sino kaya ang mananalo? Malalaman po natin ‘yan ngayong gabi.”

“Okay, tina-tally na ng ating official contest tabulator ang scores ng ating mga contestants… at ito ay tapos na. Good luck to all our beauty contestants. You all deserve to win.”

“Yes, but here is the losing end, Partner. Kahit na magagaling silang lahat, there will only be one Binibining Undas 2012.”

Hindi nagtagal ay inanunsyo na rin ang mga nanalo. Ang natitira na lang na hindi pa naipapaalam ay kung sino ang beauty queen at ang first runner up.

Si Jamien na lang at ang Contestant Number Two ang naglalaban. Isa sa kanila ang magiging Binibining Undas.

“And our Binibining Undas 2012 is… Contestant Number… Contestant Number Two. Miss Ganda Mae Corazon!”

Nanlumo si Jamien sa naging resulta ng contest, pero hindi niya pinahalata ‘yon. Ngumiti pa rin siya ng pagkatamis-tamis at c-in-ongratulate ang nanalong Binibining Undas 2012.

Pag-uwi nila sa kanilang bahay, kino-comfort pa rin siya ng kaibigan niyang si Janicka. Kasama niya ito at ang mama niya at kapatid sa contest kanina. Ito iyong nag-assist sa kanya kanina.

Nanghihinayang pa rin siya kasi malaki-laki rin sana ang napanalunang premyo.

“Jam, ano ba? Mag-cheer up ka na nga. Okay lang na hindi ikaw ang nanalo, ‘no,” sabi ni Janicka sa kanya.

“Hindi naman ganun kadaling mag-move on, Jan, eh. Twenty thousand din sana ang premyo. Kung ako ‘yong nanalo, aba pwede ko na ‘yong ipambayad sa tuition ko.”

“At least may ten thousand ka pa rin. Mas mabuti na ‘yon kaysa wala kang nakuha, ano. Konti na lang ‘yong idadagdag mo para mabayaran mo ng full ang tuition mo.”

“Oo nga naman, Anak. Okay na rin ‘yong napanalunan mo. Hindi ka na masyadong mahihirapan sa pagtatrabaho para idagdag sa bayarin mo sa university,” sabi sa kanya ng nanay niyang si Jamilla.

“Oo nga po sana, Ma. Kaya lang mas maganda sana kung ako talaga ‘yong nanalo. Pwede kong ipambayad ng buo sa school fee ko ‘yong sixteen thousand at pangkonsumo natin ‘yong four thousand para ‘yong magiging sweldo ko sa food chain ay mabigay ko ng buo sa inyo.”

“Ano ka ba, Anak. Huwag mo nang alalahanin ‘yon. Magagawan naman natin ‘yon ng paraan, eh,” nag-aalalang sabi pa rin ng mama niya.

“Saka, Jam, mas mabuti na ‘yong hindi ka nanalo sa contest, no. Ang pangit kaya ng magiging title mo kung nagkataon. Binibining Undas 2012, Miss Jamien Prudence Aragon,” may pakumpas-kumpas pang sabi nito. “As in, eew. Hindi bagay sa beauty mo. Masyado kang maganda para maging binibining undas, no! ‘Di ba, Tita Jami?”

Hindi pa man nakakasagot ang mama niya ay nagsalita na naman ito.

“O, ‘di ba. Sabi sa ‘yong tama ako, eh. Tss,” may pagmamalaking saad nito.

Napangiti na lang siya sa naging aktuwasyon ng kaibigan niya. Hindi talaga ito nagkakamaling pasayahin siya. Paano na lang kaya kung hindi ikaw ang best friend ko, Janicka?

Nakarating na rin sila sa bahay nila. Kahit papano ay naging okay na rin naman siya. Ilang sandali lang ay dumating din ang isa pa niyang kaibigan na si Mariah, na sa totoong buhay ay si Mario. Kasama nito ang isa pa niyang kaibigan na si John.

“Hoy, Bakla! Kamusta ‘yong contest mo. Panalo ba? Sorry hindi ako nakapunta. Nagkaproblema kasi kami ng pekeng nanay ko. Inaway ba naman ako kasi wala akong nadedelihensiya,” sabi agad sa kanya ni Mariah.

“Hindi bakla, eh. Luz Valdez ang beauty ko,” sagot niya rito.

“Ganoon ba? Yeko lang ‘yon, bakla. At least, hindi ka Binibining Undas! Hindi bagay sa’yo.”

“Tama ka diyan, Mario. ‘Yon din ang sabi ko sa kanya kanina,” sabat ni Janicka.

“Mariah, Janicka. Hindi Mario. Ikaw, bakla ka. Paulit-ulit na lang. Nasisira ang beauty ko sa ‘yo,” mataray na wika ni Mariah.

“Hoy, Ginoong Juan Sabillon! Ba’t hindi ka pumunta kanina? Akala ko ba sasama kang panoorin ako?” baling niya kay John. Tinarayan niya ito dahil nangako itong sasama sa contest niya.

“Sorry. Nagkaproblema rin kasi sa bahay n-”

“Ng girlfriend niya,” putol ni Mariah sa sinasabi ni John.

Marahas na nilingon niya ang best friend na lalake at pinandilatan ng mata.

“H-hindi totoo ‘yon, Jam. Huwag kang maniwala kay Mario. Hindi totoo ‘yon. Maniwala ka sa ‘kin,” nahihintakutang depensa ni John sa sarili.

“Talaga? Eh, ba’t wala ka kanina? Sa’n ka nagpunta?”

“Sa -”

“Sa bahay ng girlfriend niya,” sabat ulit ni Mariah.

“Hindi nga, eh!” sigaw ni John.

“Hoy, John! Bawal ang sumigaw sa pamamahay ko!” sigaw din ng mama ni Jamien.

“Da. Buti nga. Bleh,” pabulong na sabi ni Mariah kay John sabay belat.
“Sa’n ka ba kasi nanggaling at hindi ka pumunta sa contest ko?”

“Eh, k-kasi n-nagkaro’n ng p-problema s-sa…” nauutal na sabi ni John kay Jamien. Nagkakutob na si Jamien kung saan galing ang best friend na dahilan kung bakit hindi ito natuloy sa contest niya.

“Hay, Juan. Kung sinabi mo lang sana agad kung sa’n ka galing, hindi kita mahuhuling nagsisinungaling. Okay lang naman na pinuntahan mo ang girlfriend mo, eh. Sus.”

“Talaga? Okay lang sa’yo? Hindi ka galit? Hindi ka nagseselos?” nakaramdam ng ginhawa na sabi ni John.

“Ano? Ba’t naman ako magseselos. Siraulo ka! Matagal na tayong tapos, no! Sabi ng aba, tama ako, eh. Pumunta ka nga sa girlfriend mo. Huli ka tuloy!”

“Ay, hayst. Nakakainis!” sabi ni John sa sarili. “Ay, nga pala. Sabay tayo pumasok sa Lunes, ah. Tapos na sembreak natin, eh.”

“Anong oras ba’ng pasok mo? Alas dos pa kasi ang sa ‘kin, eh.”

“Alas dos din. Sabay na tayo, ha?”

“Ay, hindi pwede. Aalis ako sa umaga, eh. Makikiusap ako sa management na sa umaga na lang ang duty ko para makapag-aral ako sa hapon.”

“Ganoon ba? Samahan na lang kita,” anyaya nito sa kanya.

“Huwag na. Makakaistorbo pa ‘ko sa ‘yo. Tsaka baka magalit pa sa ‘kin girlfriend mo. Ayoko ng gulo. War freak pa naman ‘yon.”

“Ano ka ba? Huwag ka namang ganyan, o.”

“E, sorry. Pero alam mo ang history ng girlfriend mo kaya hindi mo rin ako masisisi.”

“Oo nga. Pangit ng girlfriend mo. War freak,” sabay na segunda nina Mariah at Janicka.