CHAPTER 1
“Masisisi niyo ba ‘ko kung
pinatay ko ang asawa ko?! Masisisi niyo ba ‘ko kung pinagtanggol ko lang ang
anak ko na ginahasa ng walang kwenta at halimaw kong asawa?! Bago niyo po ako
husgahan, alamin niyo po muna ang dahilan kung bakit ko kinitil ang buhay ng
aking asawa!”
Buong puso at punumpuno ng
emosyon ang pag-arte ni Jamien sa declamation piece niya para sa beauty contest
sa kanilang barangay na sinalihan niya. Binigyan siya ng masigabong palakpakan
ng mga taong nanonood sa contest.
Siya ang panghuling contestant na
nag-deliver ng kanyang talent sa talent portion ng contest na iyon. Sa mga
susunod na sandali ay ang question and answer portion naman. Kasalukuyang
nagpe-present ang isang singer bilang intermission number para bigyan ang mga
contestants ng pagkakataong makapagbihis ng kani-kanilang evening gowns.
Kung gaano kalinis ang mga
pangyayaring makikita sa stage kapag may nagpe-perform ay siya namang
kabaligtaran ng nangyayari sa backstage. Nagkakagulo ang mga tao sa backstage.
Ang mga contestants at ang mga nag-aassist sa kanila ay kanina pa paikut-ikot
upang ihanda ang lahat ng kinakailangan sa beauty contest.
“Okay, ladies. One minute na lang
at magsisimula na ang Q and A. Bilisan niyo naman ang kilos! Babagal-bagal!
Huwag nang um-ecklavoo!” sigaw ng
baklang organizer ng beauty contest.
Lalong kinabahan ang mga
contestants at hindi na napigilan ng ilan na sumigaw.
“Naketch naman mga girlaloo!
Shodi sigaw mga teh! Dinig na dinig
sa labas! Haay! O ikaw! Wow! Ang joray-joray
ng earrings mo, ‘day!” baling ng baklang organizer kay Jamien.
Napangiti na lang si Jamien.
Handang-handa na siya para sa question and answer mamaya.
“Thank you,” sinserong sagot niya
sa organizer.
“And now, may we call in Contestant number five, Miss Jamien
Prudence Aragon,” anunsyo ng lalakeng emcee ng contest.
Lumakad agad palapit sa dalawang
emcee si Jamien. Binigyan siya ng lalakeng emcee ng microphone.
“Magandang gabi, Miss Number
Five,” bati sa kanya ng babaeng emcee.
“Magandang gabi din po sa inyong
lahat.”
“Handa ka na ba? Hindi ka ba
nape-pressure ngayon?”
“Handang-handa na po ako at hindi
naman po ako nape-pressure ngayon.”
“Wow. Okay. Bunot ka na ng
question mo,” sabi ng lalakeng emcee.
Bumunot siya ng question sa fish bowl at
ibinigay ito sa emcee. Nagsigawan ang mga supporters ni Jamien na nasa harap ng
stage.
“Okay, ‘eto na ang tanong mo. This
is a quotation that we got from an anonymous source. And here it goes. If you
have a direction to choose, which direction will you go? The left where there
is nothing right? Or the right where there is nothing left?”
“Hirap ng tanong mo, idol!” sigaw
ng isang lalake na nasa audience.
“Thank you for that very
wonderful question, Mister Emcee. If I were to choose to which direction I will
go, I’d rather go to the left where there is nothing right. Why? Simply because
I do not have anything do with the right direction where there is nothing left.
That would be my answer. Thank you,” sagot ni Jamien pagkatapos ay ngumiti.
“Hmm. Makes sense. Tama ba,
Partner?” sabi ng lalakeng emcee.
“Tama ka diyan, Partner. Thank
you, Contestant Number Five,” sagot naman ng babaeng emcee.
“Whoa! Ang hihirap ng mga tanong
para sa ating mga contestants. Sino kaya ang mananalo? Malalaman po natin ‘yan
ngayong gabi.”
“Okay, tina-tally na ng ating
official contest tabulator ang scores ng ating mga contestants… at ito ay tapos
na. Good luck to all our beauty contestants. You all deserve to win.”
“Yes, but here is the losing end,
Partner. Kahit na magagaling silang lahat, there will only be one Binibining
Undas 2012.”
Hindi nagtagal ay inanunsyo na
rin ang mga nanalo. Ang natitira na lang na hindi pa naipapaalam ay kung sino
ang beauty queen at ang first runner up.
Si Jamien na lang at ang
Contestant Number Two ang naglalaban. Isa sa kanila ang magiging Binibining
Undas.
“And our Binibining Undas 2012
is… Contestant Number… Contestant Number Two. Miss Ganda Mae Corazon!”
Nanlumo si Jamien sa naging
resulta ng contest, pero hindi niya pinahalata ‘yon. Ngumiti pa rin siya ng
pagkatamis-tamis at c-in-ongratulate ang nanalong Binibining Undas 2012.
Pag-uwi nila sa kanilang bahay,
kino-comfort pa rin siya ng kaibigan niyang si Janicka. Kasama niya ito at ang
mama niya at kapatid sa contest kanina. Ito iyong nag-assist sa kanya kanina.
Nanghihinayang pa rin siya kasi
malaki-laki rin sana
ang napanalunang premyo.
“Jam, ano ba? Mag-cheer up ka na
nga. Okay lang na hindi ikaw ang nanalo, ‘no,” sabi ni Janicka sa kanya.
“Hindi naman ganun kadaling
mag-move on, Jan, eh. Twenty thousand din sana
ang premyo. Kung ako ‘yong nanalo, aba pwede ko na ‘yong ipambayad sa tuition
ko.”
“At least may ten thousand ka pa
rin. Mas mabuti na ‘yon kaysa wala kang nakuha, ano. Konti na lang ‘yong idadagdag
mo para mabayaran mo ng full ang tuition mo.”
“Oo nga naman, Anak. Okay na rin
‘yong napanalunan mo. Hindi ka na masyadong mahihirapan sa pagtatrabaho para
idagdag sa bayarin mo sa university,” sabi sa kanya ng nanay niyang si Jamilla.
“Oo nga po sana, Ma. Kaya lang
mas maganda sana
kung ako talaga ‘yong nanalo. Pwede kong ipambayad ng buo sa school fee ko
‘yong sixteen thousand at pangkonsumo natin ‘yong four thousand para ‘yong
magiging sweldo ko sa food chain ay mabigay ko ng buo sa inyo.”
“Ano ka ba, Anak. Huwag mo nang
alalahanin ‘yon. Magagawan naman natin ‘yon ng paraan, eh,” nag-aalalang sabi
pa rin ng mama niya.
“Saka, Jam, mas mabuti na ‘yong
hindi ka nanalo sa contest, no. Ang pangit kaya ng magiging title mo kung
nagkataon. Binibining Undas 2012, Miss Jamien Prudence Aragon,” may
pakumpas-kumpas pang sabi nito. “As in, eew. Hindi bagay sa beauty mo. Masyado
kang maganda para maging binibining undas, no! ‘Di ba, Tita Jami?”
Hindi pa man nakakasagot ang mama
niya ay nagsalita na naman ito.
“O, ‘di ba. Sabi sa ‘yong tama
ako, eh. Tss,” may pagmamalaking saad nito.
Napangiti na lang siya sa naging
aktuwasyon ng kaibigan niya. Hindi talaga ito nagkakamaling pasayahin siya. Paano na lang kaya kung hindi ikaw ang best
friend ko, Janicka?
Nakarating na rin sila sa bahay
nila. Kahit papano ay naging okay na rin naman siya. Ilang sandali lang ay
dumating din ang isa pa niyang kaibigan na si Mariah, na sa totoong buhay ay si
Mario. Kasama nito ang isa pa niyang kaibigan na si John.
“Hoy, Bakla! Kamusta ‘yong
contest mo. Panalo ba? Sorry hindi ako nakapunta. Nagkaproblema kasi kami ng
pekeng nanay ko. Inaway ba naman ako kasi wala akong nadedelihensiya,” sabi
agad sa kanya ni Mariah.
“Hindi bakla, eh. Luz Valdez ang
beauty ko,” sagot niya rito.
“Ganoon ba? Yeko lang ‘yon,
bakla. At least, hindi ka Binibining Undas! Hindi bagay sa’yo.”
“Tama ka diyan, Mario. ‘Yon din
ang sabi ko sa kanya kanina,” sabat ni Janicka.
“Mariah, Janicka. Hindi Mario.
Ikaw, bakla ka. Paulit-ulit na lang. Nasisira ang beauty ko sa ‘yo,” mataray na
wika ni Mariah.
“Hoy, Ginoong Juan Sabillon! Ba’t
hindi ka pumunta kanina? Akala ko ba sasama kang panoorin ako?” baling niya kay
John. Tinarayan niya ito dahil nangako itong sasama sa contest niya.
“Sorry. Nagkaproblema rin kasi sa
bahay n-”
“Ng girlfriend niya,” putol ni
Mariah sa sinasabi ni John.
Marahas na nilingon niya ang best
friend na lalake at pinandilatan ng mata.
“H-hindi totoo ‘yon, Jam. Huwag
kang maniwala kay Mario. Hindi totoo ‘yon. Maniwala ka sa ‘kin,”
nahihintakutang depensa ni John sa sarili.
“Talaga? Eh, ba’t wala ka kanina?
Sa’n ka nagpunta?”
“Sa -”
“Sa bahay ng girlfriend niya,”
sabat ulit ni Mariah.
“Hindi nga, eh!” sigaw ni John.
“Hoy, John! Bawal ang sumigaw sa
pamamahay ko!” sigaw din ng mama ni Jamien.
“Da. Buti nga. Bleh,” pabulong na
sabi ni Mariah kay John sabay belat.
“Sa’n ka ba kasi nanggaling at
hindi ka pumunta sa contest ko?”
“Eh, k-kasi n-nagkaro’n ng
p-problema s-sa…” nauutal na sabi ni John kay Jamien. Nagkakutob na si Jamien
kung saan galing ang best friend na dahilan kung bakit hindi ito natuloy sa
contest niya.
“Hay, Juan. Kung sinabi mo lang sana agad kung sa’n ka
galing, hindi kita mahuhuling nagsisinungaling. Okay lang naman na pinuntahan
mo ang girlfriend mo, eh. Sus.”
“Talaga? Okay lang sa’yo? Hindi
ka galit? Hindi ka nagseselos?” nakaramdam ng ginhawa na sabi ni John.
“Ano? Ba’t naman ako magseselos.
Siraulo ka! Matagal na tayong tapos, no! Sabi ng aba, tama ako, eh. Pumunta ka
nga sa girlfriend mo. Huli ka tuloy!”
“Ay, hayst. Nakakainis!” sabi ni
John sa sarili. “Ay, nga pala. Sabay tayo pumasok sa Lunes, ah. Tapos na
sembreak natin, eh.”
“Anong oras ba’ng pasok mo? Alas
dos pa kasi ang sa ‘kin, eh.”
“Alas dos din. Sabay na tayo,
ha?”
“Ay, hindi pwede. Aalis ako sa
umaga, eh. Makikiusap ako sa management na sa umaga na lang ang duty ko para
makapag-aral ako sa hapon.”
“Ganoon ba? Samahan na lang
kita,” anyaya nito sa kanya.
“Huwag na. Makakaistorbo pa ‘ko
sa ‘yo. Tsaka baka magalit pa sa ‘kin girlfriend mo. Ayoko ng gulo. War freak
pa naman ‘yon.”
“Ano ka ba? Huwag ka namang
ganyan, o.”
“E, sorry. Pero alam mo ang
history ng girlfriend mo kaya hindi mo rin ako masisisi.”
“Oo nga. Pangit ng girlfriend mo.
War freak,” sabay na segunda nina Mariah at Janicka.