CHAPTER 2
Kagagaling ko lang sa food chain
na pinagtatrabahuhan ko. Pumayag ang management na makapagtrabaho ako sa umaga,
mula alas sais
ng umaga hanggang alas dose ng tanghali. Malayo pa kasi ang ibi-biyahe ko
patungong university.
“Jamien, nakita mo ba ‘yong
naka-post sa bulletin board sa department office? Nando’n ‘yong pangalan mo.
Tingnan mo do’n,” sabi sa akin ng blockmate ko.
Agad na pinuntahan ko ang
tinutukoy nitong naka-post na pangalan ko sa bulletin board. Nakasulat sa board
na gusto akong makausap ng chairperson ng department namin.
Pumasok ako sa department office.
Tinanong ko sa working scholars kung nasa loob ba ang chairperson at ang sabi
nila ay pumasok na lang ako sa opisina nito.
Kumatok ako sa pinto ng opisina
at binuksan ko ito.
“Good afternoon, Miss,” bati ko
sa chairperson namin.
“Good afternoon, Miss Aragon,”
nakangiting sagot niya sa ‘kin. “I know that it’s too sudden a news for you,
but we couldn’t do anything since ikaw lang kinakailangan namin. I hope that it
would be good for you.”
“Tungkol saan po ba ang tinutukoy
niyo, Miss?” tanong ko sa kanya.
“It will be about the exchange
student program of the university. We chose you to be the department’s
temporary exchange student, in lieu of the first student who is supposed to be
the one to be exchanged.”
“Temporary po?”
“Yes, temporary. Ikaw muna ang
ipapadala namin sa sister school natin sa Manila
since si Mister Montez, ang original na exchange student natin, ay may kailangan
pang ayusin with regard to his papers. Would that be okay with you, Miss
Aragon?”
“It is okay with me, Miss, but I
have to ask my mom with regard to it. I have to ask her permission if she would
allow me to go there.”
“Oh. Don’t worry. We will be
asking for your mom’s presence here in the university to further explain the
status of your temporary swap to the exchange program. Is there anything else
that you are concern about?”
“Kung sakali po na payagan ako ng
mama ko, ano pong kailangan kong dalhin sa Manila?”
“Just your things, yourself, and
your intelligence. You would be staying there for two months, kaya hindi ka
masyadong mahihirapan do’n. We will provide for your needs there,” nakangiti
niyang sabi sa ‘kin.
“Miss, would the exchange program
affect my status in the university? I mean, would my grades be moved with
regard to this program? Does the sister school have the same grading system
with ours?”
“No, Miss Aragon, it won’t affect
your grades. And our sister school has the same grading system with ours. In
fact, all of our sister schools have the same grading system. Sixty percent pa
rin ang kinakailangan para mapasa mo ang major subjects mo. May tanong ka pa
ba?”
“Wala na po, Miss,” nakangiti
kong sabi sa kanya.
“Okay. I hope payagan ka ng mama
mo.”
“I hope so, too, Miss.” Tumayo na
‘ko. Kinamayan naman ako ng chairperson namin.
“Before I forget, Miss Aragon.
Kung payagan ka ng mama mo, the Vice-President for Academics would have to talk
with you and with the other two exchange students.”
“Buti at pinayagan ka ng mom
mo, Miss Aragon.
I really prayed na masali ka sa exchange program this year,” sabi sa ‘kin ni
Miss Gracia, ang chairperson namin.
Papunta kami ngayon sa office ng
VP-Acad. Kakausapin daw kasi kami.
“Oo nga po, Miss. Buti na lang.”
“But I was sad nung sinabi ng
mama mo na kinailangan mong mag-resign sa pinagtatrabahohan mong food chain
dahil dito. I didn’t know na working student ka pala.”
“Oo nga po, Miss, pero okay lang
‘yon. Alam ko kasi na may maganda akong mae-experience sa pagpunta ko do’n sa Manila. Saka sabi naman po
ng manager ng food chain, pwede pa naman daw po akong makabalik do’n kung
gugustuhin ko.”
“Talaga? That’s good. At least,
may babalikan ka pa kung gugustuhin mo talagang bumalik.”
“Dwight, kamusta na kayo ng girlfriend mo? Okay na ba?” tanong sa
‘kin ng kaibigan kong si Gian. Nanghihimasok na naman ito sa buhay may
girlfriend ko.
“Yeah, okay na kami. Alam mo
naman ‘yon, hindi ako matitiis,” balewalang sagot ko sa kanya.
Nasa classroom kami ngayon.
Hinihintay namin ang professor naming sa minor subject. Mga five minutes pa
bago magsimula ang klase namin kaya chill muna.
Nag-ring na rin ang bell at
pumasok na rin ang iba pa naming mga kaklase, kasama na ang girlfriend ko.
Pumasok na rin si Sir Romano, professor namin sa Effective Communication.
“Good morning, class!”
“Good morning, Sir!” bati namin
sa kanya.
“Did you make your assignment?”
tanong niya pagkalapag niya ng mga gamit sa table.
Daling nasipagkomento ang mga
kaklase ko. Wala siyang binigay na assignment sa amin.
“Whoa! Chill, guys! I was just
teasing you,” natatawang depensa ni Sir sa sarili. Si Sir talaga, o. Palibhasa matanda na.
May kumatok na babae sa pinto ng
classroom. Glass ang bintana ng classroom naming kaya nalaman kong babae.
“Pre, ganda ng chicks,” bulong ni
Gian sa ‘kin. Kahit kailan talaga, babae pa rin ang iniisip nito.
Binuksan ni Sir ang pinto at
saglit na kinausap ang babae. Mukhang galit si Sir. Sigurado, ngayon lang pumasok ang babaeng ‘yan. Last week pa nagsimula
ang klase. Tss tss.
Pumasok ulit si Sir.
“Okay, class. You have an
additional classmate,” anunsyo niya sa klase. Binalingan niya ang babae sa
labas at pinapasok. May inabot na half-crosswise bondpaper ang babae kay Sir.
Napansin kong napakunot ang noo ni Sir. Uh
oh.
“Introduce yourself, Miss,”
walang kangiti-ngiting sabi ni Sir sa babae.
“Good morning everyone. I am
Jamien Prudence Aragon, third year Mass Communication student, and I am a
temporary exchange student from the Queen
City of the South University.”
“You have the confidence, Miss,
but why do you think ikaw ang ipinadala ng university niyo dito? As what I see
in your grade, hindi papasa ito para maging exchange student. Uno?”
Nagtawanan ang mga kaklase ko. Bagsak ‘yan, ah!
“Pre, discouraging. Tsk,” bulong
sa ‘kin ni Gian.
“I’m sorry, Sir, but I do not
understand you. Please explain to me, Sir,” sagot ng babae. May pagkatanga pala
‘to, eh. Akala ko matalino. Itsura pa lang kasi, pang-beauty queen… na may eye
glasses.
Nag-explain si Sir Romano.
Patango-tango lang ang babae.
“Sinong may five point three to
four dito? Sa kahit anong subject?” tanong ni Sir sa buong klase. Nagsitaasan
kami ng kamay.
Napapakunot naman ang noo ng
babae, tipong may na-realize.
“Oh, I’m sorry, Sir. I guess we are
having a little predicament here. I was told that the university where I come
from and your university have the same grading system. As what I can see, the
difference is that we have different figures used. Your university uses flat five
as the highest grade while our university uses flat one. Our university doesn’t
send good-for-nothing students, Sir,” seryoso at confident na sabi ng babae,
pero humble pa rin.
“Ganoon ba?” parang natahimik si
Sir. “So, it means that you have a good grade. You have… one point one in…
English seven subject. ,” amazed na sabi ni Sir Romano.
Shit. Laki niyan, ah.
“English? Sigurado ba ‘yan?
Talino, ah,” gulat na gulat na saad ni Gian.
“Tapos one point eight din ang
lowest grade mo… sa TV Direction and Production, eh ang isang pinakamababa mo
dito ay one point five. Anong nangyari?” patuloy ni Sir.
“I’m not into filmmaking, Sir,”
simple at mapagkumbabang sagot nito.
“Bakit? Ano ba’ng ginagawa niyo
sa subject na ‘to?”
“We write screenplays, Sir, and
we produce short films.”
“Oh. So you are trained to become
actors?”
“No, Sir. We are mentored how to
become film producers, directors, production designers, etc.”
“Okay. Maganda. Magaling. Take
your seat, Miss.”
“Saan po, Sir?”
“Beside Mister Gian Ravena.”
Nasa gitna namin siya ni Gian. “Thank
you, Sir,” huminga ng malalim ang babae nang makaupo. Agad itong tumayo. Napalakas
kasi ang paghinga nito. “Oh my gosh, I’m sorry, Sir.”
“Nervous, Miss Aragon?”
“A little, Sir.”
“Well, good luck to your stay
here. I hope ganitong grades pa rin ang makuha mo sa subject ko.”
“Yes, Sir. Thank you,” umupo na
ulit ito.
“Hello, Zemin!” narinig kong bati
ni Gian kay Jamien.
“Ako ba’ng kausap mo?” tanong ni
Jamien kay Gian. Tumango naman ang kaibigan ko. “Hindi Zemin ang pangalan ko.
Jamien,” pabulong nitong sabi.
Hindi ko napigilang matawa sa
pagkapahiya ni Gian.
No comments:
Post a Comment